Costs at benefits ng POGO sa bansa, dapat timbangin ayon sa isang senador

Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na timbanging mabuti ang ‘costs’ at ‘benefits’ na hatid ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Kasunod na rin ito ng mga panibagong kaso ng pagdukot na posibleng kinasangkutan na naman ng mga POGOs.

Giit ni Go, dapat na tingnang mabuti ang ‘cost and benefits’ ng operasyon ng mga POGO sa bansa at kung muling naghahasik ng lagim at naghahari-harian na naman ay dapat matigil na ang mga ito.


Binigyang-diin ng mambabatas na napakahalaga para sa pamahalaan na manindigan at lumaban sa mga krimen para palakasin ang ‘peace and order’ sa bansa.

Punto pa ni Go, kapayapaan at kaayusan ng bansa ang mas importante ngayon at marami sa mga kababayan ang mas nanaisin ng tahimik at walang gulo sa buhay kaya kung mas lamang ang gulo na idinudulot ng POGO ay palayasin na ang mga ito sa bansa.

Facebook Comments