Tuesday, July 14, 2026

Depensa, bigong butasan ang testimonya ng ikalawang testigo ng prosekusyon sa impeachment trial

Iginiit ni House prosecutor Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na bigo ang depensa na butasan ang testimonya ng testigo ng prosekusyon na si National Bureau of Investigation (NBI) regional director Atty. Jeremy Lotoc.

Si Lotoc ay ikalawang testigo ng prosekusyon sa ika-apat na article of impeachment patungkol sa banta ni Vice President Sara Duterte na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ito ni Ridon makaraang punahin ng depensa sa cross examination nito ang mga clerical o typographical errors sa mga dokumentong ipinrisinta ni Lotoc sa impeachment trial.

Diin ni Ridon, kahit anong mga pagkakamali tulad ng maling spelling o petsa ay hindi makakabago sa katotohanan na mismong si VP Duterte ang nagsabi sa isang online press conference na may kinausap syang papatay kay Pangulong Marcos at iba pang personalidad.

Facebook Comments