Saturday, October 17, 2026

Paghina ng piso kontra dolyar, iniuugnay ng palasyo sa El Niño at krisis sa Middle East

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang mga hakbang para tugunan ang paghina ng piso na umabot sa ₱63 kada dolyar.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nasa mandato ng BSP ang pagdedesisyon sa mga hakbang kaugnay ng palitan ng piso kontra dolyar.

Kabilang sa mga posibleng dahilan ng paghina ng piso ang nagpapatuloy na krisis sa Middle East, epekto ng El Niño sa mga magsasaka at mangingisda, at maingay na sitwasyong pulitikal sa bansa.

Sa kabila nito, tiniyak ni Castro na nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang administrasyon sa paghahanap ng mga paraan para maibsan ang epekto ng paghina ng piso sa mga mamamayan.

Facebook Comments