Saturday, October 17, 2026

Pagbuwag sa Task Force Disiplina ng Quezon City, makatwiran

Makatwiran at tamang hakbang ang pagbuwag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Task Force Disiplina ng lungsod.

Sinabi ito ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML)
Party-list Rep. Leila de Lima matapos barilin at mapatay ng isang lasing na miyembro ng Task Force Disiplina ang tatlong binatilyo sa lungsod.

Para kay De Lima, hindi kailanman dapat bigyan ng awtoridad o maging bahagi ng mga nagdidisiplina at nagpapatupad ng polisiya ang mga walang disiplina, mga utak-pulbura o utak-Tokhang pa rin na walang pagpapahalaga sa buhay at karapatang pantao.

Diin ni De Lima, ang pagpatay ay hindi kailanman dapat maging paraan ng pagdisilipina.

Kaugnay nito ay nananawagan si De Lima ng malalimang imbestigasyon sa insidente at sa iba pang karahasan o pag-abuso na posibleng ginawa ng binuwag na Task Force Disiplina.

Facebook Comments