Wednesday, October 14, 2026

Task Force Disiplina ng QC, binuwag na!

Tuluyan nang binuwag ang Task Force Disiplina ng Quezon City, epektibo ngayong Martes, Oktubre 13, matapos masangkot ang isa nitong miyembro sa pamamaril na ikinasawi ng tatlong magkakaibigan, kabilang ang isang menor de edad, sa Barangay Batasan Hills nitong Lunes ng madaling araw.

Naaresto na ang suspek at sinibak sa serbisyo.

Dahil sa insidente, ipinahinto na ang lahat ng operasyon at pagroronda ng Task Force Disiplina.

Inatasan ni Mayor Joy Belmonte ang lahat ng miyembro nito na agad bumalik sa kanilang mother unit na Department of Public Order and Safety (DPOS).

Kailangan ding pumasa ang mga dating tauhan nito sa mahigpit na background check, neuropsychological examination at drug test, at magsumite ng NBI at police clearance bago payagang manatili sa DPOS.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na walang baril na iniisyu sa mga miyembro ng Task Force Disiplina.

Inatasan din ang QCPD na paigtingin ang kampanya laban sa mga ilegal na baril.

Facebook Comments