War material ng mga komunistang terorista, nadiskubre ng militar sa Nueva Vizcaya

422

Narekober ng militar ang mga armas at war material mula sa arm cache o imbakan ng armas ng communist terrorists sa Barangay Lipuga, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) acting Commander Major General Andrew Costelo, natukoy ang kinaroroonan ng arm cache mula sa natanggap nilang impormasyon sa mga residente.

Kabilang sa nakuha sa lugar ay ang dalawang Bushmaster M16 Rifle, isang Colt M16 Rifle, mga bala at magazine at tatlong bandolier.


Dinala agad sa headquarters ng 84th Infantry Battalion sa Jose City, Nueva Ecija ang mga armas at war material para sa proper documentation at disposition.

Nagpapatuloy naman ang militar sa paghikayat sa Local Government Units (LGUs), stakeholders at mamamayan para suportahan ang kampanya kontra local communist armed conflict.

Facebook Comments