
Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasamsam na P1.91-B halaga ng iligal na droga sa ikinasang public destruction sa Quezon City noong Miyerkules, July 8.
Kabilang sa winasak ng PDEA gamit ang thermal decomposition ay ang mahigit 300 thousand grams ng solid na iligal na droga, at mahigit 1,000 milliliters naman ng liquid na iligal na droga.
Nasamsam ang mga iligal na droga mula sa magkakahiwalay na operasyon ng mga law enforcement agency at ginamit na rin bilang ebidensya sa mga pagdinig sa korte.
Samantala, saksi sa nasabing aktibidad sina Secretary Oscar Valenzuela, chairman ng Dangerous Drugs Board; maging ang mga kawani ng Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), law enforcement agencies, non-government organizations, at mga opisyal ng barangay.










