Wednesday, August 5, 2026

Malacañang, tiwalang itutuloy ni Sen. Ping Lacson ang imbestigasyon sa flood control projects sa Taguig

Naniniwala ang Malacañang na itutuloy pa rin ni Sen. Panfilo Lacson ang imbestigasyon sa mga kuwestiyonableng flood control projects sa Taguig kahit nagkaayos na sila ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos pag-ayusin ng Senado ang dalawang mambabatas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas mabuti kung nagkakasundo ang mga public servant dahil mas magiging maayos ang kanilang trabaho kapag naaalis ang mga personal na alitan.

Gayunman, iginiit ni Castro na naniniwala siyang hindi isasakripisyo ni Lacson ang imbestigasyon at magpapatuloy ang pagbusisi sa mga kuwestiyonableng proyekto.

Facebook Comments