Wednesday, August 5, 2026

Malacañang, mas pinaiigting ang pagbabantay sa presyo ng pagkain at enerhiya sa kabila ng pagbagal ng inflation nitong Hulyo

Ikinatuwa ng Malacañang ang muling pagbagal ng inflation noong Hulyo, na senyales ng paggaan ng gastusin ng mga Pilipino.

Bumaba sa 6.2% ang inflation noong Hulyo mula 6.4% noong Hunyo, dulot ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipinapakita lang nito na epektibo ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapanatiling abot-kaya ang mga pangunahing pangangailangan.

Gayunman, sinabi ng Palasyo na hindi pa rin nagiging kampante ang administrasyon.

Patuloy nitong binabantayan ang posibleng epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan at El Niño sa presyo ng pagkain at enerhiya.

Tiniyak ng Malacañang na magpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapababa ang gastusin, mapatatag ang suplay ng pagkain at enerhiya, at maprotektahan ang kakayahang bumili ng bawat pamilyang Pilipino.
..

Facebook Comments