
Mariing kinondina ng Council for the Welfare of Children o CWC ang lahat ng uri ng karahasan na kinasasangkutan ng kabataan sa mga paaralan sa bansa.
Kasunod ito ng magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Tacloban City at pananaksak sa Cavite ngayong Hunyo, na nagdulot ng injury, emotional distress sa mga estudyante, guro, at komunidad; maging nang pagkamatay ng ilang kabataan.
Ayon sa CWC, paalala umano ang nasabing mga karahasan na kailangang magtulungan ng gobyerno at publiko sa pagprotekta sa kabataan, maging ang pagpapaigting ng school-based child protection mechanisms, violence prevention initiatives, at early intervention systems.
Samantala, nanawagan din ang CWC na bigyan ang mga estudyante, pamilya, at guro at iba pang personnel na apektado ng nasabing karahasan, ng mga suporta sa aspetong medikal, psychosocial, at mental health.










