
Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa importasyon ng pork at iba pang swine products mula sa bansang Spain.
Kasunod ito ng pagkilala ng Pilipinas sa regionalization efforts ng mga piling bansa sa Europa, partikular ang Spain at Germany hinggil sa banta ng African Swine Fever (ASF).
Sa ilalim ng regionalization efforts, ang mga bansang may mga banta ng sakit ng hayop ay ihihiwalay sa mga specific zones rather sa halip na isailalim sa nationwide trade restrictions
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kabilang sa mga maari na muling angkatin doon ay pork meat, pig skin at iba pang swine by-products sa ilalim ng mahigpit na sanitary conditions ng Pilipinas at Spain.
Una nang ipinatupad ng Pilipinas ang temporary ban sa Spanish pork imports noong nakaraang taon dahil sa mga ASF cases sa ilang bahagi ng Europe, na nagresulta sa mas mahigpit na border controls upang protektahan ang local hog industry.










