Pilipinas, nakikipag-ugnayan na rin sa France para matugunan ang mga kaso ng HIV, TB, Dengue at Malaria

Pinalalakas na rin ng Pilipinas at France ang ugnayan nito para sa Universal Health Care.

Kabilang dito ang COVID-19 response at ang pagtugon sa iba pang sakit tulad ng Human Immunodeficiency Virus (HIV), Tuberculosis (TB), Dengue, at Malaria.

Napagkasunduan din ng Department of Health (DOH) at ng France ang pag-improve sa partnership ng dalawang bansa para sa pagtugon sa kalusugan ng mga Pilipino.


Partikular na nagpulong hinggil dito sina Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire at French Ambassador to the Philippines, Her Excellency Michele Boccoz.

Facebook Comments