DA, target na madagdagan pa ang mga Kadiwa Store na nagtitinda ng P20 na bigas

Target ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na madagdagan ang mga Kadiwa Store na nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas.

Ito ay matapos ang opisyal na ilunsad ngayong araw ang bentahan ng murang bigas sa Bureau of Animal Industry o BAI Kadiwa ng Pangulo.

Ayon kay Agriculture Sec. Tiu Laurel, mula sa 32 Kadiwa Store, iaakyat nila sa 50 pagsapit ng Hunyo ang Kadiwa ng pangulo na nagbebenta ng P20 kada kilong bigas.

Alinsunod, ang ginagawa nila aniyang ito sa pagnanais ni Pangulong Bongbong Marcos na makapagbenta ng murang bigas sa mga Pilipino.

Samantala, sa paglulunsad ngayong araw ng murang bigas, nakisalo-salo si Sec. Tiu Laurel at mga opisyal ng DA sa mga mamimili ng murang bigas .

Sama-sama nilang tinikman ang P20 kada kilo na bigas.

Patunay umano ito na masarap at malasa ang murang bigas na ani mismo ng mga lokal na magsasaka sa bansa.

Facebook Comments