Thursday, October 8, 2026

Pulitika, fake news, at Middle East crisis, itinurong dahilan ng Malacañang sa pagbagal ng ekonomiya ng bansa

Itinuro ng Malacañang ang political destabilization, fake news at paninira sa administrasyon bilang pangunahing dahilan ng pagbagal ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakaaapekto sa ekonomiya ang patuloy na political noise at mga hakbang umano ng mga grupong naglalayong pabagsakin sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa ni Castro, nakadagdag din sa paghina ng ekonomiya ang krisis sa Middle East at mga kalamidad na tumama sa bansa.

Nasa 2.3 percent lamang ang economic growth ng Pilipinas sa second quarter ng 2026, mas mababa sa 2.8 percent na naitala noong unang quarter.

Facebook Comments