DA, WALA UMANONG KINALAMAN SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA BINHI

Cauayan City – Nilinaw ng Cauayan City Agriculture Office Cauayan na walang kinalaman ang Department of Agriculture sa ibinebentang binhi na galing sa ahensya.

Kamakailan lamang, matatandaang dalawang indibidwal mula sa lungsod ng Cauayan ang naaresto ng mga awtoridad matapos na mabisto sa pagbebenta ng mga binhi na mula sa gobyerno,

Sa naging panayam ng IFM News Team kay City Agriculturist Ricardo Alonzo, nanggaling umano ang mga binhing ito sa Region 3 partikular na sa Nueva Ecija at Region 1.

Kanila namang pinuntahan ang itinuturong pinagmumulan ng mga binhi at kinausap na ituro kung sino man ang nag su-suplay sa kanila ng binhi na mula sa pamahalaan, at kalaunan ay kusa nitong isinuko sa LGU Cauayan City ang natitirang binhi na nasa kanya.

Binigyang linaw rin ni City Agriculturist Alonzo na P341,000.00 ang original price ng nakumpiskang mga illegal na binhi kamakailan sa lungsod ng Cauayan habang P279K ang agreed price ng suspek at ng kanyang supplier, taliwas sa unang lumabas na impormasyon na nagkakahalaga ang mga ito ng P 1.7 million pesos.

Samantala, kabilang naman sa kasong posibleng isampa laban sa mga suspek ay Theft, Anti-Fencing Law, Violation of the Seed Industry Development Act of RA 7308, Estafa, Violation of RA 7394 Consumer Act of the Philippines, Economic Sabotage, Violation of Fair Trade Laws Possession of Government Property without Authority.

Facebook Comments