LALAKING TUMILAPON SA PALAYAN MATAPOS MAAKSIDENTE, PATAY

Cauayan City – Patay ang isang lalaki matapos na magsariling maaksidente at tumilapon sa palayan sa Purok 2, Brgy. Sagat, Cordon, Isabela.

Kinilala ang lalaking si Justin Kyle Antonio, 20-anyos, at residente ng Purok 3, Brgy. Rizal, Diffun, Quirino.

Batay sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cordon Police Station, isang lalaki ang nagtungo sa himpilan ng PNP Cordon upang personal na iulat ang insidente.

Ayon sa nakasaksi ng insidente, naglalakad siya sa gilid ng kalsada nang mapansin niya ang isang lalaking nakahandusay sa palayan.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, posibleng nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima sa pakurbang bahagi ng daan, dahil sa iniwang marka ng kanyang motor sa kalsada.

Kaagad naman na nirespondehan ng Cordon Rescuers ang biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival.

Facebook Comments