Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pangasinan noong Mayo 23, 2026.
Sa Manaoag, isang 26-anyos na lalaki ang nadakip matapos maaktuhan sa buy-bust operation na ikinasa ng Manaoag Municipal Police Station katuwang ang PDEA Region 1.
Nasamsam mula sa suspek ang anim na sachet ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng tinatayang 10 gramo at may standard drug price na P1,200.
Bukod dito, narekober din ng mga operatiba ang tatlong marked money na tig-P100 at isang motorsiklo.
Samantala, isang 21-anyos na lalaki naman ang inaresto sa buy-bust operation sa Dagupan City.
Nakuha mula sa suspek ang apat na gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P27,200. Nasamsam din ang isang marked P500 bill at siyam na piraso ng boodle money na tig-P1,000.
Ayon sa pulisya, isinagawa sa lugar ng operasyon ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa presensya ng mga mandatory witness at ng mga suspek alinsunod sa umiiral na batas.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









