Dahil dito, pinag-aaralan ng pamunuan ng paaralan ang posibilidad na dagdagan ang bilang ng mga electric fan sa bawat classroom upang mabawasan ang init at mapabuti ang kondisyon ng mga mag-aaral habang nagsasagawa ng kanilang mga aralin.
Ayon kay Danilo S. Eden, school principal ng MNHS, umaabot sa 45 ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat silid-aralan, na mayroon lamang apat hanggang anim na electric fan.
Tiniyak naman ni Eden na regular nilang minomonitor ang kalagayan ng mga estudyante upang matukoy kung may nakararanas ng matinding epekto ng init at matiyak ang kanilang kaligtasan habang nasa klase.
Bilang pansamantalang hakbang, madalas ding binubuksan ng mga guro ang mga bintana at kurtina upang mapabuti ang sirkulasyon ng hangin sa loob ng mga silid-aralan.
Gayunman, hindi pa rin umano sapat ang kasalukuyang bentilasyon dahil sa dami ng mga mag-aaral sa bawat classroom at sa tindi ng init ng panahon.
Dahil dito, sinabi ni Eden na ikinokonsidera nilang magdagdag ng mga electric fan kung mapatutunayang hindi sapat ang kasalukuyang bilang nito upang matiyak ang mas komportable at ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








