Itinampok ang pagkakaisa, partisipasyon, at pagpapahalaga sa kultura at pagkakakilanlan ng mga katutubo sa isinagawang AWENG 2026 – Regional Indigenous Peoples Summit sa Barangay Bantay Insik, Sison, Pangasinan.
Dinaluhan ang pagtitipon ng mga lider, kinatawan, at delegado ng mga Indigenous Peoples (IP) mula sa iba’t ibang lalawigan sa Region 1, sa pangunguna ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region 1 bilang bahagi ng paggunita sa National Indigenous Peoples Month.
Layunin ng summit na palakasin ang boses at pakikilahok ng mga katutubo sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang mga komunidad, gayundin ang pagsusulong ng pagkakaisa at pangangalaga sa kanilang mayamang kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan.
Samantala, nagbigay naman ng police presence, pamamahala sa daloy ng trapiko, at seguridad ang Sison Municipal Police Station upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo sa aktibidad.
Binigyang-diin ng pulisya ang patuloy nitong suporta sa mga katutubo sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at paggalang sa kanilang mga karapatan at kultura.
Patuloy rin nitong isinusulong ang serbisyong pulisya na may malasakit at paggalang sa bawat komunidad, kabilang ang mga katutubong mamamayan sa Sison at iba pang bahagi ng rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










