Wednesday, September 30, 2026

Dagdag na tulong para kay Mary Jane Veloso at sa pamilya nito, tiniyak ng Malacañang

Siniguro ng Malacañang ang dagdag na tulong para kay Mary Jane Veloso at sa kaniyang pamilya bilang suporta sa kanilang panibagong buhay.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi lamang si Veloso kundi pati ang kaniyang pamilya ay isinailalim sa iba’t ibang programa ng pamahalaan matapos siyang bigyan ng absolute pardon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 30 libong piso para kay Veloso, tig-10 libong piso para sa kaniyang mga anak, at 10 libong piso para sa kaniyang mga magulang.

Isinailalim din si Veloso sa assessment para sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD upang magkaroon siya ng pagkakakitaan at panimulang kabuhayan para sa pamilya.

Kasama rin sa suporta ang psychosocial counseling, livelihood starter kits, enterprise capital at skills training para kay Veloso at kaniyang pamilya.

Facebook Comments