Friday, May 8, 2026

TATLONG MOST WANTED PERSONS SA REGION 1, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA MANHUNT OPERATIONS

Tatlong Most Wanted Persons sa Region 1 ang naaresto sa isinagawang magkakahiwalay at koordinadong manhunt operations ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa La Union at Pangasinan noong Mayo 5,2026.


‎Sa Lungsod ng San Fernando, La Union, naaresto ng awtoridad ang isang 36 anyos na construction worker na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong qualified rape of a minor.

‎Ayon sa pulisya, ang suspek ay itinuturing bilang Top Most Wanted Person sa lalawigan ng La Union.

‎Samantala, sa bayan ng San Manuel, Pangasinan, arestado rin ang first at second most wanted persons ng bayan na may edad 64 at 59 na kapwa nahaharap sa kasong murder.

‎Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang mga naarestong indibidwal para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

‎Ayon naman sa PRO1, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad upang matiyak na walang sinumang lumalabag sa batas ang makakatakas sa pananagutan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments