DIGITAL SCIENCE HUB PARA SA MGA MAG-AARAL SA DAGUPAN CITY, ISINULONG PARA SA MODERNONG EDUKASYON

Pormal na nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan, Department of Science and Technology (DOST) at Department of Education (DepEd) ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa implementasyon ng STARBOOKS program sa lungsod noong Abril 13, 2026.

Ayon sa ulat, ang STARBOOKS o Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosks ay isang standalone digital library system na naglalaman ng mga aklat at iba pang research materials na maaaring maaccess kahit walang internet connection.

Sampung paaralan sa lungsod ang nakatakdang pagkalooban ng STARBOOKS units.

Kaugnay nito, bagamat wala pang inilabas na kompletong detalye, inanunsyo rin sa flag raising ceremony noong Lunes ang planong pagpapatayo ng 21st century science classrooms para sa pagtuturo ng agham at teknolohiya sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments