Nakatuon ang programa sa pagsasanib ng kaalaman sa agrikultura at entrepreneurship, sa layuning makabuo ng mga praktikal at produktibong ideya na maaaring ilapat sa aktuwal na merkado.
Sa nasabing aktibidad, ipinakita ng mga estudyante ang kanilang mga produkto at konseptong pangnegosyo sa pamamagitan ng entrepreneurial showcase. Kabilang dito ang market research innovation expo, agri cuisine, fruit carving, at dish gardening.
Nagsagawa rin ng business pitch competition kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na ipresenta ang kanilang mga ideya sa mas pormal na paraan at batay sa pamantayan ng negosyo.
Ayon sa mga tagapag-organisa, layunin ng programa na palakasin ang kahalagahan ng agrikultura at negosyo sa lokal na pag-unlad, habang hinahasa ang kakayahan, kritikal na pag-iisip, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






