DAGDAG-PULIS, IPAPAKALAT SA MATATAONG LUGAR SA DAGUPAN BAGO ANG HOLIDAY RUSH

‎Maagang magdadagdag ng police visibility ang Dagupan City Police Office o DCPO sa mga matataong lugar sa lungsod bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng publiko ngayong papalapit ang holiday season.

‎Partikular na tututukan ang mga commercial area, pamilihan, terminal at iba pang lugar na inaasahang dadami ang mamimili at biyahero upang maiwasan ang mga insidente ng krimen.
‎
‎
‎Kabilang sa mga nakalatag na hakbang ang mas madalas na foot, motorcycle at mobile patrols, gayundin ang checkpoints at intelligence-led monitoring.

‎Kasabay nito, patuloy ding tinututukan ng pulisya ang mga naitatalang insidente ng pagnanakaw, kabilang ang pagkawala ng motorcycle helmets at mga baterya ng jeepney.

‎Inaasahang mas paiigtingin pa ang pagbabantay habang papalapit ang panahon na mas maraming tao ang namimili, bumibiyahe at nagtutungo sa mga pampublikong lugar.
‎

‎Makikipag-ugnayan din ang DCPO sa mga barangay tanod, security personnel at iba pang force multipliers upang mapalawak ang pagbabantay hindi lamang sa sentro ng lungsod kundi maging sa mga komunidad.
‎
‎
‎Kasabay ng dagdag na deployment, pinapayuhan din ang publiko na maging mapagmatyag sa kanilang mga gamit at agad ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.
‎

‎Layunin ng DCPO na maagapan ang posibleng pagtaas ng mga insidente ng krimen bago pa tuluyang dumagsa ang mga mamimili at biyahero sa lungsod ngayong holiday season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments