₱15-K ACROSS THE BOARD SALARY HIKE PARA SA MGA GURO AT DEPED EMPLOYEES, ISINUSULONG NG TDC

Mas makabuluhang dagdag-sahod ar benepisyo—ito ang panawagan ng Teachers’ Dignity Coalition o TDC para sa mga guro at iba pang empleyado ng Department of Education o DepEd.

‎Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, hindi na sapat ang kasalukuyang sahod ng mga guro dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang gastusin.
‎

‎Giit ni Basas, dapat umabot sa hindi bababa sa ₱15,000 ang across-the-board salary increase, anuman ang salary grade ng mga guro at iba pang empleyado ng DepEd.
‎
‎
‎Aniya, mababa na ang kasalukuyang sahod ng mga guro kaya hindi na umano substantial ang mga natatanggap nilang dagdag-sahod.
‎

‎Iginiit din ni Basas na dapat gawing prayoridad ng pamahalaan ang salary increase para sa mga guro, kabilang ang usapin sa tinatawag na “standard law” na may kaugnayan sa dagdag-sahod.
‎

‎Bukod dito, nais din ng TDC na bigyang-prayoridad ang Special Hardship Allowance para sa mga gurong nakatalaga sa conflict-affected areas at mga liblib na lugar.
‎

‎Kabilang dito ang mga lugar na mahirap puntahan, walang regular na masasakyan, mahina o walang signal ng telepono, at maaaring malagay sa panganib ang seguridad ng mga guro dahil sa presensya ng mga armadong grupo.
‎
‎
‎Samantala, binanggit din ni Basas ang panukalang School Counselor Associates, na maaaring magbigay ng pagkakataon sa mga nagtapos ng mga kaugnay na kurso sa guidance counseling at psychology na makapasok sa DepEd.
‎

‎Sa huli, iginiit ng TDC na higit pa sa salita at pagkilala ang kailangan ng mga guro.

‎Para kay Basas, mas makabuluhang pagpapahalaga sa mga guro ang konkretong dagdag-sahod at benepisyong makatutulong sa kanilang kabuhayan at sa kanilang mga pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments