DAGDAG SINGIL | Ilang oil company – nag-anunsyo na ng oil price hike para bukas

Manila, Philippines – Nag-anunsyo na ng kanilang dagdag-presyon sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Dagdag-singil na P0.20 sa kada litro ng gasolina ang ipatutupad ng Caltex at Pilipinas Shell Petroleum, habang P0.45 naman sa diesel at kerosene.

Parehong price adjustment din ang ipatutupad ng phoenix petroleum at PTT Philippines Corp. maliban sa kerosene.


Epektibo ang taas-singil alas 6:00 ng umaga bukas.

Facebook Comments