Ayon sa lokal na pamahalaan, kabilang sa mga pangunahing apektado ng masamang panahon ang mga estudyante, lalo na ang mga bumibiyahe araw-araw patungo sa kanilang mga paaralan.
Dahil dito, isinasaayos at kinuumpuni na ang mga imprastraktura sa mga pampublikong paaralan sa lungsod para paghandaan ang tag-ulan at mapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ng pamahalaang lungsod na kabilang sa mga pinaghahandaan ang posibleng epekto ng malalakas na hangin, at pagbaha sa mga pangunahing lansangan, pati na rin ang pagkukumpuni ng mga tawiran at daanan ng mga estudyanteng mula sa mga lugar na malapit sa ilog.
Kaugnay nito, nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan, katuwang ang City Health Office, sa publiko na maging maingat at magsagawa ng mga hakbang laban sa dengue, lalo na ngayong buwan kung kailan tumataas ang panganib ng naturang sakit kasabay ng tag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








