Sa ikatlo at pinal na pagbasa ng ordinansa, inaatasan ang bawat barangay na magtatag ng disclosure board na maglalaman ng mga pangunahing dokumento ng SK, kabilang ang mga programa, proyekto, aktibidad, pondo, badyet, resolusyon, at ordinansa.
Layunin ng hakbang na mapalawak ang access ng mga kabataan at residente sa impormasyong may kinalaman sa paggamit ng pondo at pagpapatupad ng mga programa ng SK sa kanilang mga komunidad.
Sa pamamagitan ng disclosure board, maaaring masubaybayan ng publiko ang mga proyekto at gastusin ng SK, gayundin ang pagpapatupad ng mga patakaran at programang nakalaan para sa sektor ng kabataan.
Ang ordinansa ay inaasahang magsisilbing mekanismo para mapalaganap ang transparency at pananagutan sa pamamahala ng mga SK sa buong bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







