DATING TAGASUPORTA NG CTG, SUMUKO SA PULISYA SA DAGUPAN CITY

Dating tagasuporta ng isang Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang sumuko sa Dagupan City Police Office noong Hunyo 14, 2026.

Ayon sa ulat, pormal na nanumpa ng katapatan sa Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ang naturang indibidwal matapos ang kanyang pagsuko.

Nagbigay ang himpilan ng mga pangunahing grocery items sa prosesong alinsunod sa umiiral na batas at tamang mga alituntunin.

Pinangunahan ang operasyon ng City Mobile Force Company (CMFC) sa mahigpit na koordinasyon ng City Intelligence Unit (CIU) at mga opisyal ng Barangay Bonuan Binloc. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments