Mas pinaigting ng City Veterinary Office ng San Carlos ang pagsasagawa ng libreng Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang aso at pusa bilang bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa rabies.
Sa ibinahagi ng City Veterinary Office, iikutin ng kanilang vaccination team ang mga itinakdang barangay upang mabigyan ng libreng bakuna ang mga alagang hayop.
Ngayong araw, July 28, unang isinagawa ang programa sa Barangay Pagal. Sunod naman na isasagawa ito sa Barangay Bonifacio sa July 29 at Barangay Tebag sa July 30 sa ganap na alas-nwebe ng umaga.
Hinikayat ang mga pet owner na ihanda ang kanilang mga aso at pusa sa nakatakdang pagbisita ng mga veterinary personnel upang matiyak na mababakunahan ang mga ito.
Patuloy namang hinihikayat ng City Veterinary Office ang publiko na makiisa sa programa at maging responsableng pet owner upang mapanatiling ligtas at malusog ang komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments