DAGUPAN, MULING ISINUSULONG ANG WASTE-TO-ENERGY PROJECT

Muling binubuhay ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang planong Waste-to-Energy Project bilang pangmatagalang solusyon sa problema ng lungsod sa solid waste management.

‎Inilahad nitong Huwebes, Agosto 27, ang kasalukuyang estado ng proyekto sa 3rd Quarter Infrastructure Development Committee (IDC-1) Regular Meeting na ginanap sa DEPDev Regional Office I sa San Fernando City, La Union.

‎Ayon sa pamahalaang lungsod, muling nire-review ang Waste-to-Energy Project matapos itong hindi maipatupad noong nakaraang administrasyon.

‎Layunin ng proyekto na magkaroon ng mas pangmatagalang sistema sa pagproseso at pamamahala ng basura ng Dagupan, kabilang ang paggamit ng waste-to-energy technology.

‎Bukod sa usapin ng basura, inilahad din sa pulong ang patuloy na problema sa pagbaha sa Dagupan at ang mga kinakailangang infrastructure interventions upang matugunan ito.

‎Kasama sa delegasyon ng lungsod si Sangguniang Panlungsod Secretary Ryan Ravanzo.

‎Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture, Department of Budget and Management, Department of Energy, DICT, DILG, DPWH, DOTr, National Irrigation Administration, Philippine Ports Authority, DEPDev, mga pamahalaang panlalawigan, pribadong sektor, at iba pang miyembro ng IDC-1.

‎Inaasahang magiging mahalagang bahagi ng mga susunod na talakayan ang kinakailangang teknikal, pinansyal at pangkapaligirang pag-aaral bago maisulong ang Waste-to-Energy Project. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments