
Tinitingnan ng pamahalaan ang posibilidad na makagawa ang Pilipinas ng sariling Filipino-made e-jeepney at e-tricycle.
Ito ang isa sa mga tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbisita niya sa MD Juan Enterprises, isang kumpanyang Pinoy na gumagawa ng automotive parts at accessories.
Kasama ang Department of Science and Technology (DOST), sinuri ng Pangulo kung anong kagamitan at teknolohiya pa ang kailangan para maisulong ang lokal na paggawa ng mga electric vehicle.
Ayon kay Marcos, may sapat na karanasan at teknolohiya ang kumpanya para makatulong sa pagbuo ng sariling e-jeepney at e-tricycle sa bansa.
Inaasahang makatutulong din ang lokal na produksyon ng e-vehicles para mabawasan ang pag-asa ng bansa sa imported na produktong petrolyo.
Sinabi ng Pangulo na susunod nang tututukan ang pagkuha ng mga kinakailangang kagamitan para masimulan ang produksyon.










