
Nakaendorso na sa plenaryo ang panukalang Comprehensive School Safety and Security Act o Senate Bill 2426.
Ang panukala ay bunsod ng shooting incidents sa eskwlehan sa Tacloban City at Zamboanga City at mga naunang insidente ng karahasan sa mga paaralan na kinasangkutan ng mga menor de edad na mag aaral.
Sa sponsorship speech ni Senator Bam Aquino, layon ng panukalang batas na sawatain ang bullying at karahasan sa mga paaralan at isulong ang mental health at well-being ng mga mag-aaral.
Lilikhain dito ang isang national comprehensive school safety framework na magtatakda ng mga sistema at patakaran para sa pagsawata, pagtugon at pagbangon kapag nagkaroon ng insidente sa eskwelahan at out-of-school activities ng mga estudyante.
Oobligahin dito ang metal detectors, cctv at iba pag screening equipment sa mga paaralan na ibabatay sa risk assessment at pangangailangan ng paaralan.
Sinabi naman ni Senator Erwin Tulfo, isa sa mga nag co-sponsor ng panukala, na magkakaron dito ng permanenteng plantilla para sa security officers sa mga paaralan, na magdedepende sa bilang ng mga mag aaral.










