Dahil sa illegal na sabong, isa arestado

56
Lezo, Aklan – Isa ang arestado ng mga otoridad sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation laban sa mga nagsagawa ng illegal na sabong kahapon ng hapon sa Brgy. Mina, Lezo, Aklan. Nakilala ang naaresto na si Marc Adronil Reyes, 37 anyos ng nasabing lugar. Base sa report ng Lezo PNP, na nagsagawa sila ng operation matapos malaman na merong nagsasagawa ng illegal na sabong sa lugar. Pagdating sa lugar ay naabutan nila ang walang ka tao sa lugar pero mabilis na tumakas ang mga ito at nakipaghabulan sa mga pulis hanggang nagpang-abot sa may Aklan river at isa ang nahuli. Na rekober ang dalawang manok na panabong at P 300.00 pesos bilang taya. Mahaharap naman si Reyes ng kasong paglabag sa PD 449 o Anti-Illegal Cockfighting Law.
Facebook Comments