Philippine Embassy sa Muscat, nagbabala sa OFWs na uuwi ng Pilipinas via Kuala Lumpur

158

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Muscat sa mga Pilipinong uuwi ng Pilipinas via Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ay dahil sa hindi pinapayagan ng Malaysia ang paglilipat ng mga pasahero sa Kuala Lumpur International Airport Terminal 1 patungo ng Terminal 2 Lumpur International Airport dahil hindi pinapayagan ngayon ang connecting flights doon.

Marami kasing OFWs ang nagpapa-book ng flight patungong Manila via Kuala Lumpur International Airport dahil mas mura ang ticket.


Bunga nito, pinapayuhan ng Philippine Embassy ang ang mga Pinoy sa Muscat na uuwi ng Manila na kumuha na lamang ng direct flight.

Facebook Comments