
All set na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan na magsisipag-uwi sa kani-kanilang probisnya para sa paggunita ng Undas 2026.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, itataas ng PCG ang alert status sa lahat ng operating unit simula October 29 hanggang November 3 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong Undas.
Halos 17,000 personnel ang idedeploy sa buong bansa kasama na rito ang mga floating assets, deployable response group na binubuo ng rescue, medic, nurses para magbigay tugon sa publiko.
Bukod dito, mag-de-deploy din ng Coast Guard K9 dogs partikular sa mga major port para magsagawa ng security inspection upang maiwasan ang pagsakay ng mga bagahe ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng kutsilyo, arma, droga at iba pA.
Maglalagay din ng passenger’s assistance desk sa lahat ng pantalan sa bansa para umalalay sa mga biyahero.
Makakatuwan naman ng PCG ang Philippine Ports Authority, PNP at iba pang law enforcement unit sa pagpapaigting ng seguridad sa mga pantalan ngayong Undas 2026.










