Thursday, October 15, 2026

PNP, nanawagan sa publiko sa praktikal na paghahanda sa halip na mag-panic sa epekto ng matinding El Niño

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na maging kalmado at iwasan ang sobrang pag-iimbak ng mga essential supplies bilang paghahanda sa epekto ng matinding El Niño.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing sitwasyon ay mas nangangailangan ng praktikal na paghahanda imbes na mag-panic.

Aniya, gamitin ng maayos ang tubig, planuhin kung ano ang pangagailangan ng pamilya at iwasang bumili ng sobra sa kung ano lang ang kailangan.

Dagdag pa ni Nartatez, hindi kailangang mag-hoard dahil kung sapat ang binibili sa araw-araw ay mas marami ang magkakaroon ng access sa mga pangunahing pangangailangan.

Sa ngayon, gumagawa na rin ng mga praktikal na pamamaraan ang PNP sa mga opisina at pasilidad nito kasabay ng pagtitiyak na hindi humihinto ang pagbibigay serbisyo publiko.

Hinikayat din ng PNP ang publiko na maging alerto at i-report sa pulisya ang mga insidente ng hoarding at ang hindi resonableng pagtataas sa mga presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments