Timbog ang Isang 33 anyos na lalaki matapos Nitong paulit ulit na gahasain ang kaniyang 14 na taong gulang na babaeng inaanak sa Mangaldan.
Ayon kay Mangaldan Officer in Charge Perlito Tuayon, taong 2024 nang magsimula umano ang panghahalay ng suspek sa kanyang inaanak.
Ilang beses pa naulit ang panghahalay hanggang sa mabuntis ang biktima at sapilitan itong pinalaglag ng suspek.
Natatakot umanong magsumbong ang biktima dahil pinagbantaan siya ng suspek na papatayin pati ang kaniyang pamilya.
Hindi lubos maisip ng mga magulang ang sinapit ng anak dahil pinagkakatiwalaan nila ang suspek bilang pangalawang magulang ng kanilang anak.
Nang malaman ng nanay ng biktima ang naturang panghahalay ay agad nila itong inereport sa pulisya.
Sinampahan ng kasong Statutory Rape ang suspek sa bisa ng isang Warrant of Arrest at ngayo’y nasa Pangasinan Provincial Jail habang sasailalim naman sa counseling ang biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨