LOLA, SINAKAL HABANG NAGPAPAHINGA SA BAHAY SA SAN CARLOS CITY

Pinagtangkaan ang buhay ng isang lola sa San Carlos City, Pangasinan, habang nagpapahinga sa loob ng kanyang bahay.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay San Carlos City Police Station, PCpt. McKinley Mendoza, walang damit pang-itaas na pumasok ang isang 41 anyos na lalaki sa bahay ng biktima.

Nang makita niya ang lola ay dito niya na ito sinakal at aakmain pa sanang saktan gamit ang kanyang dalang kutsilyo.

Mabuti na lamang at mabilis itong naawat ng mga kaanak ng biktima.

Ani Mendoza, nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang lalaki at tila umano na dahil sa sobrang kalasingan ay nawala ito sa wisyo at nagawa ang insidente.

Nilinaw pa ni Mendoza na hindi magkaano-ano o anumang koneksyon ang dalawa, nagkataon lamang na ito ang napasok na bahay ng suspek.

Samantala, naaresto ito ng mga sumaklolong concerned citizen, at sa ngayon ay ihahanda na ang kasong isasampa laban dito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments