Thursday, October 8, 2026

Mahigit 50 na mga indibidwal kabilang ang hinihinalang “groomers” sa school shooting sa Banga, South Cotabato, naaresto na ng mga awtoridad

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na naaresto na ang 53 na mga indibidwal kasama ang hinihinalang groomers sa nangyaring school shooting sa Banga, South Cotabato.

Ayon kay Remulla, ang nasabing mga indibidwal ay sangkot sa online threats at grooming ng mga menor de edad para gumawa ng karahasan.

Ibinahagi naman ni Remulla na may 53 rin na mga planong school shooting sa South Cotabato ang kanilang napigilan.

Aniya, hindi lang ito napag-usapan dahil sa ito ay sensitibo ay kinasasangkutan ng mga Childeren in Conflict with the Law.

Ayon pa kay Remulla, sa ngayon ang mga nasabing naarestong indibidwal ay sumailalim sa psychiatric counseling.

Facebook Comments