DALAWA PATAY, ISA SUGATAN SA PAMAMARIL SA MALASIQUI, PANGASINAN
Nasawi ang dalawang lalaki habang sugatan naman ang isang babae sa pamamaril na naganap sa Barangay Barang, Malasiqui, Pangasinan, nitong July 25, 2026.
Batay sa ulat ng Malasiqui Police Station, naganap ang insidente bandang alas-5:30 ng hapon habang nasa gilid ng kalsada ang mga biktima.
Ayon sa paunang imbestigasyon, huminto sa kanilang harapan ang isang hinihinalang Enduro-type na motorsiklo na sinasakyan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.
Bumaba umano ang back rider, bumunot ng baril at sunod-sunod na pinaputukan ang mga biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungong timog na bahagi ng barangay.
Isinugod sa Universal Health Hospital sa Barangay Cabatling ang isa sa mga lalaking biktima ngunit idineklarang dead on arrival (DOA) matapos magtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib.
Samantala, dinala naman sa ospital ang isa pang lalaking biktima at ang babaeng nasugatan.
Gayunman, idineklara ring dead on arrival ang 25 anyos na lalaki dahil sa tama ng bala sa kanang ibabang bahagi ng likod.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang babaeng biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa kanang ibabang bahagi ng tiyan. Dinala sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang gamutan.
Nagsagawa ng pagproseso sa pinangyarihan ng insidente ang SOCO, habang nagpapatuloy ang follow-up operations ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek. Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng pamamaril. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments