Masuwerte ang isang mananaya mula sa San Carlos City, Pangasinan matapos nitong masungkit ang mahigit P91 milyong jackpot prize sa 6/49 Super Lotto draw na isinagawa noong Linggo, Hulyo 26.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nag-iisang nanalo ang bettor matapos mahulaan ang tamang kombinasyon ng mga numerong 04-10-19-14-13-05.
Bukod sa jackpot winner, may 49 pang mananaya ang nakahula ng lima sa anim na winning numbers. Hahatiin ng mga ito ang kabuuang second prize na P1.3 milyon, katumbas ng P26,530.61 bawat isa.
Samantala, wala namang nakasungkit sa jackpot ng nakaraang draw ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang makahula sa winning combination na 50-11-30-44-33-07.
Dahil dito, inaasahang aabot sa P166 milyon ang jackpot prize sa susunod na draw.
Pinaalalahanan din ng PCSO na alinsunod sa TRAIN Law, ang mga premyong lampas sa P10,000 ay may katumbas na 20 porsiyentong buwis. | 𝙞𝙛𝙢𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments