Friday, August 28, 2026

LOKAL NA TALENTO SA PELIKULA, BINIBIGYAN NG PLATAPORMA SA 6TH HUNDRED ISLANDS FILM FESTIVAL

Mas binibigyang pagkakataon ang mga lokal na filmmaker, artist at kabataang may talento sa malikhaing sining na maipakita ang kanilang husay sa pagbubukas ng ika-6 na Hundred Islands Film Festival o HIFF 2026 sa Alaminos City.

Isinagawa ang opening program ng film festival sa Don Leopoldo Sison Convention Center na may layuning hindi lamang itaguyod ang sining ng pelikula kundi maging daan upang mailahad ang mga kuwentong nagmumula mismo sa komunidad. Binigyang-diin ng mga sumussuportang opisyal ang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga programang nagbibigay ng plataporma sa mga lokal na talento upang maipakita ang kanilang kakayahan, pagkamalikhain at mga kuwentong may kaugnayan sa kanilang komunidad.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng patuloy na pagpapahalaga at paglinang sa talento at malikhaing kakayahan ng kabataan sa pamamagitan ng pelikula at iba pang anyo ng sining. Hinikayat namn ang mga filmmaker na patuloy na paunlarin ang kanilang kakayahan sa pagkukuwento at pagkamalikhain, habang binibigyan ng higit na pagkakataon ang mga lokal na alagad ng pelikula na maipakita ang kanilang talento.

Suportado rin ni Alaminos City Mayor Arth Bryan C. Celeste ang programa, na aniya’y mahalagang daluyan ang pelikula ng mga kuwento, talento, kultura at pagkakaisa ng mga Alaminian. Ayon naman kay City Tourism Officer Miguel L. Sison, may mahalagang papel ang pelikula sa pagpapakita at pagpapahalaga sa mga kuwento, kultura at pagkakakilanlan ng isang komunidad.

Layon ng ika-6 na Hundred Islands Film Festival 2026 na patuloy na palakasin ang lokal na industriya ng pelikula habang pinauunlad ang malikhaing talento ng mga kabataan at iba pang miyembro ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments