Dalawang babaeng tulak umano ng ilegal na droga sa Muntinlupa, arestado sa buy-bust operation

51

Timbog ang dalawang babaeng drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod ng Muntinlupa.

Nakilala ang mga suspek na sina Jheramae Lomuntod Mateo, 19-anyos at Carmelita Ricafory Pondivida, 50-anyos, parehong residente ng Barangay Putatan, Muntinlupa City.


Nakumpiska mula sa kanila ang 5.6 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P38,080 at ang P300 na perang ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon sa lugar kung saan nakatira ang mga suspek, pasado alas-3:45 ng hapon kahapon matapos makumpirma na nagbebenta ang mga ito ng ilegal na droga sa naturang lugar.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments