500 PANGASINENSE, NAITALANG NAG-APPLY SA JOB FAIR SA URDANETA CITY; 23 APLIKANTE, HIRED ON THE SPOT

Dumagsa ang 500 Pangasinense para mag-apply sa iba’t ibang lokal at overseas employment agencies sa isinagawang job fair ng Pamahalaang Panlalawigan.

Nakibahagi ang Pangasinan Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang isang mall sa Urdaneta City sa aktibidad na ginanap noong Oktubre 6, 2026.

Ayon sa datos ng pamahalaang panlalawigan, 23 aplikante ang hired on the spot, habang 126 naman ang near-hire para sa mga local jobs.

Bukod sa job opportunities, nagkaroon din ng Government One-Stop-Shop tulad ng assistance sa Professional Regulation Commission o PRC, Social Security System o SSS, Department of Migrant Workers o DMW, at Philippine Statistics Authority o PSA para sa mga nangangailangan ng kaukulang dokumento.

Target umanong mailapit ang job openings sa mga Pangasinense para makakuha ng trabaho at mapadali ang pagproseso ng mahahalagang dokumento sa iisang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments