
Iginiit ng ilang myembro ng minorya sa Senado na hindi naman sila ganoon kaapektado sa paglipat ni Senator Mark Villar ng Majority Bloc.
Ayon kay Senator Robinhood Padilla, dati namang majority si Sen. Mark kaya walang malaking reaksyon sa orihinal na minority.
Iginagalang naman ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ng dating kasamahan sa minorya.
Sinabi ni Go na ganun naman talaga sa Senado at anuman ang pasya ng kapwa senador ay nirerespeto nila ito.
Nang matanong kung ano ang magiging implikasyon sa voting threshold ng impeachment trial ang ginawang paglipat ni Sen. Mark sa majority bloc, tumanggi namang sumagot si Go dahil ongoing na ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Facebook Comments










