
Inilantad ni dating Congressman Mike Defensor ang isang video na naglalaman ng pag-uusap ni retired Sergeant Orly Guteza at ng kanyang misis noong nakaraang taon na may kaugnayan sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Maririnig si Guteza na nagsasabing may mga idinadagdag sa kanyang affidavit, kabilang ang pagdawit kina Senator Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor.
Ayon kay Defensor, nai-record ang video bago pa man nakaharap sa pagpapatuloy noon ng pa pagdinig ng Senate Blue Ribbon.
Dahil dito, nanawagan si Defensor sa Office of the Ombudsman na ilagay sa protective custody si Guteza.
Aniya, mahalagang testigo si Guteza sa imbestigasyon ng flood control projects, partikular sa isyu ng pagde-deliver ng 46 na maleta sa bahay umano ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa ngayon, hindi umano alam ng dating kongresista ang kasalukuyang kinaroroonan ni Guteza matapos itong biglang mawala.
Kumpiyansa si Defensor na buhay pa si Guteza.










