Wednesday, July 8, 2026

PSA CRS MOBILE OUTLET SERVICE CARAVAN, INILAPIT SA MGA RESIDENTE NG URDANETA CITY

Mas pinadali ang pagkuha ng mahahalagang civil registry documents para sa mga residente ng Urdaneta City matapos ilunsad ang Civil Registration System (CRS) Mobile Outlet Service Caravan na ginanap mula Hulyo 8 hanggang Hulyo 9, 2026.

Sinimulan ang serbisyo kanina, Hulyo 8, sa Urdaneta City Cultural & Sports Complex at ililipat naman sa Old City Hall bukas, Hulyo 9, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang CRS Mobile Outlet ay isang serbisyong inilalapit sa publiko upang mapadali ang pagkuha ng mga dokumentong may kaugnayan sa civil registration, tulad ng mga kopya ng birth, marriage, at death certificates at iba pang kaugnay na dokumento.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang mga residente na magdala ng kinakailangang supporting documents upang maging maayos at mabilis ang proseso ng kanilang transaksyon.

Ang nasabing caravan ay bukas lamang para sa mga residente ng Urdaneta City bilang bahagi ng pagsisikap na mailapit ang mga pangunahing serbisyo publiko sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments