HEAT INDEX SA ILOCOS NORTE, UMABOT SA 44°C;PAG-IINGAT LABAN SA MATINDING INIT, IPINAALALA

Umabot sa 44 degrees Celsius ang heat index sa Ilocos Norte bandang ala-una ng hapon noong Lunes, Oktubre 19, batay sa naitala ng DOST-PAGASA.

Dahil dito, muling ipinaalala ang pangangailangang mag-ingat laban sa matinding init habang nagpapatuloy ang mainit at tuyong kondisyon ng panahon.

Hinikayat naman ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang mga residente, magsasaka at iba pang sektor na i-scan ang mga QR code sa pinakabagong El Niño Watch upang makuha ang mga updated na taya ng panahon,impormasyon sa tagtuyot at mga paalala para sa agrikultura.

Layon nitong matulungan ang publiko, lalo na ang mga magsasaka, na makapaghanda at makapag-angkop sa mgaposibleng epekto ng patuloy na mainit at tuyong panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments