Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, parehas na direksyon ang tinatahak ng dalawang motorsiklo nang umjong masalpok sa likurang bahagi ang motor na minamaneho ng isang 39-anyos na lalaki na may backrider.
Lumitaw sa imbestigasyon na mabilis umano ang pagpapatakbo ng motorsiklo na minamaneho ng 16-anyos namenor de edad bago ito bumangga sa motorsiklong nasa unahan.
Natuklasan ding wala itong driver’s license at hindi nakasuot ng standard protective helmet nang mangyari ang insidente.
Sugatan sa banggaan ang parehong rider at ang isang back rider. Agad silang isinugod sa ospital at kasalukuyang nasa stable condition.
Dinala ang dalawang motorsiklo sa Villasis Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







